TIMBOG | 2 arestado sa buy-bust operation sa Maynila

Manila, Philippines – Bumagsak sa kamay ng Pulisya ang dalawang pinaniniwalaang pusher matapos na magsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng Jose Abad Santos Police Station-7 sa railroad track corner Hermosa Street Tondo Manila.

Nakilala ang mga suspek na sina Odran David 36-anyos residente ng No.233 Makabalo Caloocan City at Baby Cuevas 20-anyos residente ng Barangay 33 Caloocan City.

Ayon kay PO1 Napoleon Santos Jr. ng Station Drug Enforcement Team ng MPD Police Station 7 nagpanggap siya na bibili ng shabu sa mga suspek sa halagang 200 piso at nang iaabot na ng pulis ang mark money ay agad na dinampot ang mga suspek.


Narekober sa dalawa ang 9 plastic sachets na naglalamang pinaghihinalaang “shabu”” at P200.00 na mark money.

Paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang kasong isinampa ng mga pulis laban sa mga suspek.

Facebook Comments