21 na Delta variants or Indian variants ng Covid-19 ang na detect sa probinsya ng Aklan.
Base sa Official Statement na ipinalabas ngayong araw Agosto 23 ng Provincial Health Office (PHO) Aklan na ang nasabing numero ay base rin sa resulta ng Whole Genome Sequencing na inilabas ng University of the Philippine Genome Center.
Ang 21 na ito ay galing sa:
Kalibo – 5
Numancia – 3
Banga – 2
Ibajay – 2
New Washington – 2
Malinao – 2
Madalag – 2
Nabas – 1
Makato – 1
Tangalan – 1
Sa ngayon ay masusi ng nakikipag coordinate ang PHO Aklan sa mga concerned Local Government Units at stakeholders para i-manage ang mga cases.
Base rin sa initial data ng Aklan Provincial Epidemiology Surveillance Unit (Aklan Pesu) ang 20 dito ay naka recover na at isa ang namatay.
Nagsagawa na rin ng surveillance at contact tracing para na ma identify ang spread of transmission.
Nagpaalala rin ang PHO-Aklan na ugaliing sundin ang mga health protocols na ipinatutupad.
21 na Delta variant ng COVID-19, na detect sa probinsya ng Aklan
Facebook Comments