21 toneladang karneng manok na nakumpiska ng National Meat Inspection Service-Northern Mindanao, kumpleto sa papeles

Kumpleto sa papeles ang 21 toneladang karneng manok na naharang sa Mindanao International Container Terminal sa Tagoloan, Misamis Oriental noong Agosto 15.

Ito ang kinumpirma ni National Meat Inspection Service o N-M-I-S Northern Mindanao Director Angelita Barcelona.

Ayon kay Director Barcelona na sa kanilang inspeksyon, may meat inspection certificate ang naturang karne at kinatay ito sa accredited na N-M-I-S sa Marilao, Bulacan.


Dagdag pa nito na nakita rin nila ang local shipping permit mula sa Bureau of Animal Industry na nagpapahiwatig na hindi kontaminado sa birds flu virus ang naturang shipment.

By: Kasamang Annaliza Amontos-Reyes

Facebook Comments