Tsuper binuksan ang pinto ng sasakyan sa EDSA; isang rider sumalpok

Image via Facebook/Edison Bong Nebrija

Nitong Martes, isang tsuper ang naging sanhi ng multiple collision sa EDSA matapos biglang buksan ang pintuan ng sasakyan ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

“While on the thoroughfare’s southbound side, the driver of a white Honda City opened his car door as he approached the off-ramp of the Santolan Flyover after noticing that his trunk was open”, pahayag ni MMDA Special Operations Group head Bong Nebrija sa kanyang Facebook.

Bumangga ang drayber ng motorsiklo sa pintuan ng puting sasakyan at sa paparating na Toyota Vios. Tumanggi ito na isugod sa ospital at magpagamot.

Samantala, pumunta sa opisina ang tsuper ng Honda City para makipagareglo. Base sa kanyang plaka, hindi ito galing sa Metro Manila.
Muling pinaalalahan ni Nebrija ang lahat ng motorista na maging alerto sa paligid at siguraduhin walang matatamaan kapag lumipat ng lane.
“You may bring your car to available emergency bay when you want to go out of your car and in no circumstance [should] you open your doors in the middle of the road,” ani MMDA traffic chief.

 

Facebook Comments