24-anyos na misis, maswerteng napili sa “Tawag ng Tulong” ng Serbisyong XL ng DZXL RMN Manila

Manila, Philippines – Isang 24-anyos na misis ang napasaya ng DZXL 558- RMN Manila matapos na maswerteng mapili sa “Tawag ng Tulong” ng Serbisyong XL.
 
Ito ay si Jonna Menieba, na may tatlong anak at residente ng evergreen home, Barangay Pulang Lupa Uno, Las Piñas City.
 
Kwento ni Jonna, hirap sila sa takbo ng kanilang pamumuhay dahil parehas sila ng kanyang mister na walang permanenteng trabaho.
 
Paextra-extra lamang sa construction ang kanyang mister kaya kulang na kulang ang kanilang panggastos sa araw-araw.
 
Dahil dito, gusto ng Serbisyong XL na tulungan ang pamilya ni Jonna sa pamamagitan ng pagbibigay sa kaniya ng puhunan para simulan ang gusto nitong ihawan, na siya naman ikinatuwa nito.
 
Samantala, tuwang-tuwa naman si Luis Lane Marta ng Bulacan matapos manalo ng P558.00 sa ka-birthday game ng Serbisyong XL.


Facebook Comments