RMN DZXL, patay countdown

37
Total: 6
Quezon City (3) 
Tatlo ang nasawi matapos pagbabarilin sa loob ng isang bahay sa Commonwealth Ave., Barangay Old Balara. Ayon kay QCPD Dist.Dir. C/Supt Guillermo Eleazar, nagtamo ng tama ng bala sa ulo ang mga biktimang sina Robert Mago, isang alyas Anabelle at isang Alyas Roy.
Sa imbestigasyon, tatlong mga suspek na nakasuot ng bonnet ang pumasok sa nasabing bahay na sinasabing pugad ng video karera.
Patuloy pa rin inaalam ng QCPD kung may kaugnayan sa droga ang motibo sa pamamaril.
 
Pasay City (1)    
Patay ang 30-anyos na si Albert Tabora matapos pagbabarilin kagabi ng dalawang nakabonnet na mga suspect.
 
Nabatid miyembro ng sigue-sigue sputnik gang ang biktima at kabilang sa drug watch list ng Pasay police at kilala ding holdaper sa lugar.
 
Caloocan City (1)        
Patay ang isang hindi pa nakilalang lalaki matapos na pagbabarilin sa brgy. 176, bagong silang.
 
Dalawang sachet ng shabu ang nakuha ng pulisya sa katawan ng biktima na tinatayang nasa 20 hanggang 30 anyos.
 
Inaalam na ng kung mayroong CCTV camera sa pinangyarihan ng krimen para malaman kung sino at ano ang motibo sa insidente.
 
Maynila (1)         
Patay ang isang kilabot na tulak ng droga matapos manlaban sa mga pulis na nagsagawa ng buy bust operation sa Tondo.
         
Sa imbestigasyon, nagpanggap na poseur buyer ang isang pulis pero nakaramdam ang 22-anyos na suspek na si Daniel Batac na pulis ang kanyang katransaksyon kaya agad itong bumunot ng baril.
 
Nakuha mula sa suspek ang ilang sachet ng shabu at isang 9-mm na baril at isang caliber .45.


Facebook Comments