Purok leader, patay sa pamamaril sa Caloocan City

Manila, Philippines – Patay ang isang purok leader matapos pagbabarilin ng riding-in-tandem sa harapan mismo ng barangay outpost sa Phase 1, Bagong Silang, Caloocan City.
 
Tama ng bala ang ulo ang agad na ikinasawi ng biktimang si Rodolfo Barreto, 68-anyos.
 
Hinala ng anak ng biktima na si Grace Barreto, na posibleng resbak ito ng mga drug addict na naaktuhang sa kanilang ilegal na gawain.
 
Bukod sa pagiging purok leader, presidente rin ng Tricycle Operators Driver Association o TODA sa bagong silang ang napatay na biktima.

Facebook Comments