24 Patay, Naitala sa Pananalasa ng Bagyong Ulysses sa Region 2

Cauayan City, Isabela- Dalawampu’t apat (24) na katao ang naitalang nasawi sa pananalasa ng malawakang pagbaha sa Lambak ng Cagayan na dulot ng bagyong Ulysses.

Ayon kay Office of the Civil Defense Regional Director Harold Cabreros, 24 ang nakumpirmang binawian ng buhay dahil sa nangyaring landslide at matinding pagbaha sa malaking bahagi ng rehiyon dos.

Mula sa bilang na 24, labing apat (14) ang namatay matapos matabunan ng gumuhong lupa, pito (7) ay dahil sa pagkalunod sa baha at tatlo (3) ay dahil sa pagkakuryente sa grounded na tubig-baha.


Sa kabilang dako, tinatayang aabot sa P73 million ang naiwang pinsala sa mga pananim habang tinatayang aabot naman sa P39.8 Million sa mga imprastraktura.

Sa kasalukuyan ay nagpapatuloy pa rin ang ginagawang search and rescue operation ng 4,799 na idineploy na mga personnel sa mga lugar na nabaha at naapektuhan ng bagyong Ulysses.

Nagpapatuloy din aniya ang kanilang pamamahagi ng relief packs sa mga pamilyang nasalanta ng bagyo bukod sa isinasagawang relief operation ng mga Local Government Units.

Facebook Comments