25% ng mga Pilipino ang nakaranas ng moderate hanggang severe anxiety o pagkabalisa sa pagsisimula ng pandemyang dulot ng COVID-19.
Ayon kay Dr. Agnes Joy Casino ng Department of Health (DOH) National Center for Mental Health, ito ay base sa March 28 hanggang April 12 ,2020 survey na isinagawa ng University of the Philippines (UP).
Aniya, lumabas sa naturang survey na 1/4 o 25 percent ng mga respondent ang nagsabi na nakaranas sila ng katamtaman hanggang sa matinding pagkabalisa sa pagtama ng pandemya.
Habang nasa 1/6 o 16 hanggang 17 percent naman ng mga respondent ang nagsabi na nakaranas ng moderate hanggang severe na depresyon at epekto sa kanilang mental health.
Bunga nito, pinayuhan ni Dr. Casino ang publiko na bigyang pansin ang bawat isa at huwag balewalain ang nararanasang depression ng sino mang miyembro ng pamilya.