Kalibo, Aklan— Kinumpirma ni Aklan Fire Marshal FSUPT. Nasrudyn Cablayan na naka quarantine ang ilang personnel mula sa mga Fire station ng Kalibo, Tangalan, Ibajay, at Malay matapos makasalamuha ang mga staff ng BFP region 6.
Ito ay kasunod ng pagpositibo ng isang 26 anyos na personnel na nagpositibo sa COVID19 na nakasalamuha naman ni Regional Director Sr. Supt. Roy Agoto.
Aniya na matapos matanggap ang nasabing ulat noong linggo ay agad na pinag utos nito sa mga nasabing himpilan na mag decontaminate at maghome quarantine ang mga nakasalamuha ng direktor sa kanyang pagbisita noong nakaraang linngo sa lalawigan at isla ng Boracay.
Aabot sa 10 personnel ng BFP Kalibo ang naka quarantine habang tig anim naman sa mga himpilan ng BFP Tangalan at Ibajay habang tatlo naman ang nasa Malay fire station.
Ang mga nasabing personnel umano ay pawang papauwi na nang dumating ang regional director.
Kalakip umano sa naka home quarantine sina FINSP Cigie Gerardo, FSINP. Joseph Cadag at maging siya kung saan ang opisina ng Provincial Fire Martial ay kasalukuyang naka lockdown at skeletal force lang ang pinapapasok.
Dagdag pa nito na matapos ang conference kasama ang taga DILG, DENR at DOT ay nagtagal pa sila sa Boracay at nakasabay nito na umuwi ang regional director noong linggo ng umaga.
Binigyang diin rin ni FSUPT. Cablayan na hindi nila direct contact ang nagpositibo sa nasabing sakit at sumunod rin sila sa Social Distancing habang magkakasama sa isla.
Ang ganitong hakbang umano ay para masigurong hindi sila makahawa ng sakit sa iba.
Sa ngayon aniya ay hinihintay pa nila ang taga DOH para sa pagkuha ng swab sample.
Pinasiguro rin nito na kahit naka home quarantine ang ilang personnel sa nasabing nga himpilan na matutugunan parin nila ang mga responde.
25 personnel ng Bureau of Fire Protection at Provincial Fire Marshall naka quarantine
Facebook Comments