25 taong gulang sinaksak at namatay sa Surigao City

25 taong gulang sinaksak at namatay sa Surigao City Kinilala ang biktima na si Mycris Taborada Baptisma, 25 taong gulang, may-asawa at Chicharon worker at naninirahan sa Brgy. Washington, Surigao City. Ang mga suspek sina Erlindo Gotenga Orejas alias Dodong at Junior Gotenga Orejas, parehong mula sa Brgy. Datu, Pilar, Surigao Del Norte. Sa inisyal na imbestigasyon ng PNP, inawat lamang ni Baptisma ang mga nagtalo na sina Vergel Orejas at Romy Rosales dahil sa away sa basketball. Biglang nagalit ang mga suspek at inundayan ng saksak sa dibdib ang biktima. Dinala pa si Baptisma sa Caraga Regional Hospital ngunit binawian na ng buhay. Matapos ang krimen, tumakas kaagad ang dalawang suspek at patuloy na pinaghahanap ngayon ng mga otoridad.

Facebook Comments