Sa naganap na malawakang swabbing bago ang Licensure Examination for Teachers, mayroong 3,546 ang taong nasuri at 267 o 7.52% sa mga ito ang nagpositibo.
Itinalaga ang tatlong swabbing sites sa Tuguegarao City at isa naman sa Cauayan City kung saan ang mga nasuri at nagpositibo sa antigen test ay agad na dinala sa isolation area at idinulog sa kani-kanilang LGUs para mabigyan ng kaukulang pansin.
Isinagawa rin ang agarang contact tracing sa mga swabbing sites para matukoy ang mga naging close contacts ng mga nagpositibo.
Ang mga nagpositibo ay hindi na muna makakasama sa eksaminasyon at sila’y ii schedule nalang sa susunod na batch.
Isinagawa ang pagsusuri sa mga LET takers upang masiguro na maging ligtas at maayos ang pagdaraos ng eksaminasyon sa tulong na rin ng pinagsamang pwersa ng mga ahensya ng PRC, Cagayan Valley Center for Health Development (CV-CHD), Human Resource for Health (HRH) ng CV-CHD at ng City Health Offices.