Dalawang Pampasabog, Narekober Sa San Mariano, Isabela

Cauayan City, Isabela- Narekober ng mga otoridad ang dalawang uri ng malalakas na pampasabog na pinaniniwalaang ibinaon sa lupa ng mga makakaliwang pangkat sa barangay Disusuan, San Mariano, Isabela.

Batay sa impormasyon na ibinahagi ng Isabela Police Provincial Office (IPPO), matagumpay na narekober ang mga pampasabog ng magkatuwang na pwersa ng San Mariano Police Station at Provincial Explosive Canine Unit (PECU) sa tulong ng isang concerned citizen.

Ipinagbigay alam ng isang residente sa lugar sa mga otoridad ang pagbaon ng mga rebeldeng grupo sa mga pampasabog sa naturang lugar partikular sa bahagi ng bukirin ng Punong Barangay na si Reynaldo Gutierrez.

Nang magtungo at maberipika ng mga otoridad ang natanggap na impormasyon, nakuha sa lugar ang isang (1) piraso ng hand grenade HE fragmentation MK2 at isang piraso ng projectile 60mm HE.

Nasa kustodiya na ng PECU ang dalawang nakuhang pampasabog para sa tamang disposisyon.

Facebook Comments