29 anyos na lalaki binaril patay sa lungsod

Patay ang isang 29 anyos na lalaki matapos itong mabiktima ng pamamaril kagabi pasado alas nueve ng gabi sa Sinsuat avenue corner ng papasok sa Pagagao barangay Tamontaka mother. Kinilala ang biktima nasi Bryan Sinangay residente ng Awang Datu Odin Sinsuat maguindanao, na nagtamo ng tama ng bala sa ulo na naging sanhi ng agarang kamatayan nito. Ayon pa sa inisyal na inbestigasyon ng PP3 ni PSI Leonardo Enggay, papauwi na sana ang biktima sa awang ng pagsapit na nasabing lugar ay bigla siyang binaril ng riding in tandem criminals. Matapos ang krimen ay mabilis namang tumakas ang mga suspect.Blanco pa ang kapulisan kung anu ang motibo sa krimen.

Facebook Comments