Michael Yang, dapat ipa-deport

68

Para kay Blue Ribbon Committee Chairman Senator Richard Gordon, dapat ipa-deport ang Chinese businessman na si Michael Yang na dating economic adviser ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Diin ni Gordon, sapat na batayan para maipa-deport si Yang ang pagsisinungaling at pag-iwas sa tanong ng mga senador sa pagdinig ng Senado ukol pagbili ng gobyerno ng umano’y overpriced na pandemic supplies.


Tinukoy ni Gordon na lumalabas sa Senate hearing na si Yang umano ang financier ng Pharmally Pharmaceutical Corporations na binilhan ng pamahalaan ng bilyon-bilyong pisong overpriced na PPE, face mask, face shield at iba pang medical supplies

Gayunpaman, nais ni Gordon na maimbestigahan muna si Yang at mapanagot sa kaniyang mga naging kasalanan.

Facebook Comments