3 Barangay ng Sta. Ana, Cagayan, Nalubog sa Baha

Cauayan City, Isabela- Salubungan ng high tide at tubig mula sa Cagayan river ang itunuturong dahilan ng flash flood sa tatlong Barangays ng Sta. Ana, Cagayan noong Linggo, December 13, 2020.

Ayon kay Cpl. Jefferson Paguirigan ng Sta Ana Police Station, biglaan ang nangyari dahil nagkataon na high tide sa araw na iyon at lumaki ang Cagayan River dahil sa pag-ulan kaya umapaw ang tubig na ikinalubog ng mga Barangay ng Casagan, Dungeg at Sta Clara sa nasabing bayan.

Gayunpaman ay hindi nagtagal ang baha at agad ding bumaba ang lebel ng tubig sa parehong araw.


Tinatayang aabot sa 39 na residente na kinabibilangan ng mga senior citizens ang kagyat na dinala sa ligtas na lugar sa pamamagitan ng pagresponde ng mga rescuers.

Ayon sa sa PNP Sta Ana, hindi na kinailangang ilikas ang mga apektadong pamilya dahil sa mabilis din ang pagbaba ng tubig.

Wala namang naitalang casualties at nasaktan sa mabilisang pagbaha.

Sa ngayon ay balik normal na ang pang araw-araw na gawain ng mga residente ng nasabing mga barangay.

Facebook Comments