*Cauayan City, Isabela* – Arestado ang tatlong matataas na pinuno ng CPP NPA sa lambak ng Cagayan!
Sa pinagsanib na puwersa ng Police Regional Office 2, Criminal Investigation and Detection Group 2, 5th ID, Philippine Army at Regional Intelligence Unit 2, nasukol ang mga kilalang pinuno ng NPA na sina Violeta Ricardo na kilala sa mga alyas na ISSA at MARISSA, Deputy Secretary ng Northern Front Committee at pinuno ng Regional Finance ng Komiteng Rehiyon ng Cagayan Valley, Cristina Miguel Garcia alyas Senyang, kasapi ng EXECOM ng Northern Front,at miyembro din ng tinatawag na Squad Dos, Platoon Bravo ng Northern Front na kumikilos sa Silangan at kanlurang bahagi ng Cagayan. Kasama sa mga nahuli si Delilah PADILLA mas kilala sa mga pangalang DOMAY, SAGANAY, TINAY at DUMANAY. Si Padilla ay pinuno ng Education bureau, Squad Dos, Platoon Bravo (Main Group) ng Northern Front. Siya rin ang asawa ni Renato BUSANIA na itinuturing na Most wanted Person na kasapi ng CPP-NPA.
Sa ulat ni PRO2 Officer-in-Charge P/BGEN JOHN CORNELIUS JAMBORA, dakong alas siyete kagabi(October 8, 2019), nagsagawa ng operasyon ang pinagsanib na puwersa ng PRO2, 5thID, PA, CIDG sa mga Barangay ng Barbarit at Naddungan, Gattaran, Cagayan na nagresulta sa pagkaka aresto kina Violeta Ricardo at Cristina Miguel Garcia. Si Ricardo at nahaharap sa mga kaso ng Murder, Frustrated Murder, Violation of RA No. 6539 (Anti-Carnapping Act of 1972), Robbery with Arson at Rebellion. Samantalang si Miguel ay sinampahan ng patung patong na kasong Murder, Frustrated Murder, Attempted Murder, Kidnapping and Serious Illegal Detention at Qualified Assault upon an Agent of a person in Authority with Murder.
Samantala, dakong alas 8 kinse kagabi ng matiktikan din ng parehong Operating Unit si Delilah Padilla sa Brgy. Leonarda, Tuguegarao City, Cagayan. Sa bisa ng warrant of arrest, nahuli si Padilla dahil sa mga kasong Direct Assault with Murder, Robbery in Band; atFrustrated Homicide. Kasama din sa inaresto ang may ari ng bahay na si Carol Garcia Ballesta, 40taong gulang, mula Tondo Manila, dahil pagkakanlong sa nabanggit na umanoy kasapi ng CPP-NPA.
Ayon kay PBGEN JAMBORA, ang pagkakahuli sa nasabing tatlong matataas na pinuno ng CPP -NPA ay manipestasyon na seryoso ang kanilang hanay maging ang AFP sa kanilang kampanya labang sa insurhensiya sa lambak ng Cagayan.
Sinaluduhan ni PBGEN JAMBORA ang operating personnelsa matagumpay na pagkakaaresto ng mga nabanggit na matatas na pinuno no ng CPP -NPA.
Si Padilla ay may patong sa ulo na 700 thousand pesos at 2.4 Million Pesos ang pabuya para kay Ricardo.