Layunin ng aktibidad na alamin ang kalakasan at kahinaan ng pagpapatupad ng LIP noong nakaraang taon, kasama ang mga isyu at problema na kanilang naranasan, magkaroon ng workshop tungkol sa Department Order No. 183, Series of 2017 para magkaroon ng mas maayos na programa ngayong 2022 at sa mga susunod pang taon.
Bahagi rin ng naturang aktibidad na mabisita muli at masiyasat ang mga checklist, forms, Labor Standards-related sa ISO procedures gayundin ang pagpapakita ng marka na magsisilbing gabay ng mga labor inspector mula sa Regional Office.
Sa naging talumpati ni DOLE Regional Director Joel M. Gonzales, kanyang hinimok ang mga inspektors na gawing mabuti ang kanilang mga trabaho ng may kasamang katapatan upang makatulong sa layunin ng naturang ahensya ngayong taon.
Ang mga kalahok ay kinakailangang makasali sa bagong Management Information System (MIS), proyekto ng KLIP (Kahandaan para sa LIP 2022) at proyekto ng LEAP (Labor Education and Advancement Program), gamit ang iba’t- ibang mga bagong teknolohiya para sa mas mahusay na pagpapatupad ng LIP sa kasalukuyang taon.
Inaasahan naman sa huling araw ng aktibidad ang pagtanggap ng mga kinatawan mula sa iba’t-ibang ahensya tulad ng BWSC, ECC, RCMB at RTWPB upang mapag-usapan naman ang iba pang isyu at usapin sa trabaho.