3 DOOR WASH FACILITY SA BAYAN NG SAN NICOLAS, HANDOG KABILANG ANG PARA SA PWD

Handog ang isang 3-door Wash Facility partikular para sa mga residente sa Barangay Malico sa bayan ng San Nicolas mula sa Philippine Red Cross Pangasinan Chapter at San Roque Power Corporation (SRPC).
Ang nasabing 3 door facility ay nakatalaga para sa mga kababaihan at kalalakihan ng komunidad, kabilang din ang para sa mga Person with Disabilities.
Layunin nitong mas paigtingin ang kaugalian sa paghuhugas ng kamay upang mapanatili ang kalinisan ng komunidad.

Laking pasasalamat naman ng alkalde ng bayan sa lahat ng mga katuwang na ahensya at kawani na nakilahok at tumulong sa matagumpay na pag-install ng isang wash facility sa bayan ng San Nicolas. |ifmnews
Facebook Comments