𝗜𝗦𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗢𝗧𝗢𝗥𝗜𝗦𝗧𝗔 𝗣𝗔𝗧𝗔𝗬 𝗛𝗔𝗕𝗔𝗡𝗚 𝗦𝗨𝗚𝗔𝗧𝗔𝗡 𝗡𝗔𝗠𝗔𝗡 𝗔𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗖𝗞𝗥𝗜𝗗𝗘 𝗡𝗜𝗧𝗢 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗣𝗢𝗦 𝗔𝗡𝗚 𝗦𝗘𝗟𝗙-𝗔𝗖𝗖𝗜𝗗𝗘𝗡𝗧 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗔𝗡𝗗𝗔

Kasalukuyang nasa pagamutan ang backride ng motor na nasangkot sa self-accident sa kahabaan ng Brgy. San Jose, Anda.

Pawang mga lokal ng Brgy. Carot, Anda ang mga sangkot sa aksidente na kinilalang sina Francis Chan ang driver at George Chan ang backride.

Sa imbestigasyon, nawalan umano ng kontrol ang driver dahilan para mahagip ng motor ang concrete block sa gilid ng kalsada.

Nagtamo ng sugat at injuries sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ang dalawa at agad namang naitakbo sa pagamutan ngunit idineklarang dead on arrival ang driver.

Sa pagsusuri, napag-alaman na parehong hindi nakasuot ng helmet ang dalawa at parehong nasa impluwensya ng alak. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments