3 KALIBRE NG BARIL NASAMSAM NG MGA OTORIDAD SA BAHAY NG ISANG LALAKI MATAPOS SILBIHAN NG SEARCH WARRANT

28

Malay, Aklan — Tatlong kalibre ng baril at mga bala ang nasamsam ng mga otoridad matapos na silbihan ng search warrant ang bahay ng isang lalaki kaninang umaga sa Sitio Hagdan Brgy. Yapak Boracay, Malay, Aklan. Base sa search warrant ang subject ay kinilalang si Gelito Bernaldo Manalo, 33-anyos at residente rin ng nasabing lugar. Sa isinagawang operation ng pinagsanib na pwersa ng 2nd Aklan Provincial Mobile Force Company, Malay PNP at RID Maritime ay nakuha sa bahay nito ang isang shotgun, dalawang .38 revolver na may tag-lilimang bala habang hindi naman nakita ang isang Gloc 9mm pistol na isa sa mga nakalagay sa search warrant. Ayon sa suspek na ang mga armas na ito ay iniwan lamang di umano sa kanya ng kanyang kaibigan may tatlong taon na ang nakakalipas kung saan ipinabebenta na nga lang ito sa kanya. Sa ngayon ay mahaharap sa kasong paglabag sa RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunitions Act si Manalo.

Facebook Comments