*ISABELA- *Arestado ng mga otoridad ang tatlong katao na may kasong kinakaharap matapos isilbi ang kanilang Warrant of Arrest sa magkakahiwalay na lugar sa Lalawigan ng Isabela.
Unang nadakip ng mga otoridad si Bryan Telan, 34 anyos, may asawa at residente ng Brgy. Batong Labang, City of Ilagan, Isabela dahil sa kaso nitong Attempted Homicide na may inirekomendang piyansa na P36,000.00 para sa kanyang pansamantalang kalayaan.
Timbog naman bandang 8:30 kaninang umaga si Marlon Pascua, 48 anyos, magsasaka, residente ng Brgy. Sindun Maride, City of Ilagan, Isabela.
Si Pascua ay nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9262 o “*Anti-Violence Against Women and their children (VAWC)* na may kaukulang piyansa na P2,000.00.
Samantala, bagsak rin sa kamay ng mga otoridad ang isang negosyante na si Emmanuel Argonza, 30 anyos, binata at residente ng Barangay San Juan, Delfin Albano, Isabela matapos itong silbihan ng mandamiento de aresto dahil sa kasong Large Scale Illegal Recruitment.
Walang inilaang piyansa ang korte para sa pansamantalang kalayaan ni Argonza at siya ay itinurn-over sa kanyang court of origin.