3 katao, patay sa salpukan ng bus at pick up sa Maguindanao

Maguindanao, Philippines – 3 katao ang nasawi sa salpukan ng bus at pickup truck sa Cotabato-Davao highway partikular sa bahagi ng barangay Alamada, sa bayan ng Sultankudarat, Maguindanao.

Ayon kay PO1 Dick Masla Jr., chief investigator ng Sultan Kudarat Municipal Police Station, alas 2:00 ng hapon kahapon nang mangyari ang aksidente na kinasangkutan ng isang unit ng Mindanao Star Bus Transport Inc. na minamaneho ni Harold Rebotaryalsi, residente ng Barangay Concepcion, Makilala, North Cotabato at isang Isuzu pickup na may plakang unl 604 at pagmamay-ari ng lamsan trading inc. na minamaneho naman ni Bonifacio Fiamonte Jr., residente ng Barangay Laboog, Pres. Roxas, North Cotabato.

Sa bilis ng takbo ng isuzu pickup truck ay nawalan umano ito ng control pagsapit sa blind curve na bahagi ng Barangay Alamada at sumalpok ito sa kasalubong na bus.


Naisugod pa sa pagamutan ang driver ng pickup na si Rebotaryalsi ngunit idineklarang dead on arrival, nasawi rin ang dalawang pasahero nito na sina Rodrich Lumaya at Christian Tambagan.

Sa kabutihang palad ay wala namang nasugatan sa panig ng mga pasahero ng bus.
DZXL558

Facebook Comments