COMELEC, itinakda ang proklamasyon ni Cris Garcia bilang Vice Governor ng Bataan

Bataan, Philippines – Nakatakdang iproklama ng COMELEC bukas si Maria Cristina “Cris” Garcia bilang duly elected Vice Governor ng lalawigan ng Bataan.

Ito ang nakasaad sa 3 pahinang writ of execution mula sa COMELEC en banc.

Si Maria Cristina Garcia ang opisyal na substitute ng namayapang si dating congressman at Gobernador Enrique Tet Garcia Jr.


Namatay si Tet Garcia noong June 13, 2016 habang nasa deliberasyon pa ang COMELEC hinggil sa inihaing petition for substitution dahil sa aspetong pangkalusugan ni Tet Garcia.

Base sa dokumento ang botong 304, 393 ay para din kay cris Garcia ay iniutos ang agarang proklamasyon.

Habang nasa deliberasyon, nagsilbi bilang acting Vice Governor si Senior Provincial Board Member Jovy Banzon.

Magaganap ang proklamasyon bukas sa COMELEC Central Office sa Intramuros, Maynila.
DZXL558

Facebook Comments