Timbog ang tatlong lalaki matapos ang ikinasang entrapment operation ng PNP anti-cyber crime group sa Malabon at Bicol.
Kinilala ang mga ito na sina Dennis Borbon na dating staff ng Teachers partylist, Edgar Paulo James Bularan at Menard Basa na naaresto sa Bicol.
Si Borbon at Bularan ay iprinisenta sa Media dito sa Camp Crame.
Ayon kay PNP Chief Police Gen. Oscar Albayalde, isa sa bibiktimahin sana ng dalawa si Senator Bong Go.
Kwento ng Senador sa isinagawang prescon dito sa Camp Crame, linggo ng gabi ng magtext sa kanya ang suspek na si Dennis Borbon at nagpakilalang Cam Sur Representative Arnulf Fuentabella.
Nanghihingi umano ito ng 20,000 para sa mga kabataan sa kanyang nasasakupan.
Pero lunes ng umaga, tinawagan agad ni Sen. Go ang numero ni Cong. Arnulf Fuentabella at itinatanggi nitong nanghihingi siya ng pondo.
Agad siyang humingi ng tulong sa PNP ACG at ikinasa ang entrapment operation.
Nakuha sa operasyon ang isang cellphone, isang simcard, 3 load cards, isang metrobank debit card at isang Gcash card.
Bukod kay Sen. Go, nabiktima ng dalawa ang Vice Gov. ng Cavite na si Jolo Revilla at iba pang pulitiko.
Sa ngayon, mahaharap ang dalawa sa kasong identity theft.