3 magkakapatid patay sa Diarrhea Outbreak sa bayan ng Buldon, Maguindanao?

Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng mga Health Officilas sa Buldon, Maguindanao sa dahilan ng pagkakamatay ng 3 magkakapatid sa Brgy. Karim Buldon.
Sinasabi kasing nagsimulang makaramdam ng pananakit ng tyan , pagkahilo at pagsusuka ang 9 na myembro ng pamilyang Mipantao, matapos makakain ng biniling isdang Tayang mula sa palengke sa Brgy. Mataya noong August 17, 2020 ng gabi.
Sa isang albularyo itinakbo ang dose anyos na batang si Samer , binigyan ito ng mga herbal na gamot na tinatawag na kumadomado ngunit lalo itong nagpalala sa sitwasyon resulta ng kamatayan ng bata ayon pa kay Municipal Health Officer Dr. Elly Eluna sa EXCLUSIVE INTERVIEW ng DXMY ngayong umaga.
Kinaumagahan sa Brgy. Health Station naman humingi ng saklolo ang pamilya para sa 10 taong gulang na si Fahad matapos makaranas rin ng kahalitulad na mga sintomas, ngunit matapos mabigyan ng first aid ng medwife at at agad ring pinayuhan na dalhin ito sa malaking opsital ngunit na sundin ito ay inuwi ng pamilya ang bata at dun na rin binawian ng buhay dagdag pa ni Dr. Eluna.
Samantala, isinugod rin sa ospital ang nanay ng mga bata na si Puron at dalawa pa nitong anak. Matapos na mabigyan ng gamut ay nagdesisyon rin na umuwi ang mga ito, ngunit noong August 24 binawian ng buhay ang 4 month na bunso ng pamilya.
Bukod sa pamilya Mipantao, ilang mga kapitbahay rin ng mga ito ang nakakaranas ng pananakit ng tyan at pagsususka.
Hindi naman isinasantabi ng Health officer ng Buldon na maaring Diarrhea Outbreak ang nagyari sa komunidad. Sinasabing source ng inumin ng mga residente ay mula sa ilog.
Pinag-aaralan rin kung ang kasong ito ay Covid-19 related death, sinasabing bago ang pangyayari dumalo sa isang libing ang ina ng bata.
Agad namang nagbigay ng direktiba ang local na pamahalaan ng Buldon na tutukan ang nasabing insidente. Nagpaabot na rin ng inisyal na tulong ang LGU sa pamilya.
<www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>

Facebook Comments