3 patay sa drug operation sa Maynila

39

Manila, Philippines – Patay ang tatlong hinihinalang drug pusher sa isang engkwentro matapos sa mga pulis sa ikinasang drug buy-bust operation sa Brgy. 250, Zone 23, Tondo, Maynila.

Kinilala ang mga suspect na sina Jonathan Sumagka Jr. alyas “Carlo”, 23-anyos, Francisco Pacheco, alyas “Kiko”, 38 anyos, at Lauro Soriano, alyas “Dong”, 55 anyos.

Batay sa imbestigasyon ng Manila Police District-HOMICIDE SECTION, Nagkasa ng buy bust operation ang MPD station 2 drug enforcement team sa Estero de magdalena at Narcisa st.

Isang pulis ang nagsilbing bibili ng 500 pisong halaga ng shabu kay alyas ‘Carlo’.

Nang nagka-abutan na ng pera at droga, dito na nakatunog ang suspect na pulis ang ka-transaksyon dahilan para sumigaw ito at humingi ng tulong mula sa kanyang mga kasamahan.

Dito na nagpaputok ng baril ang dalawa pang suspect kaya napilitang gumanti ang mga pulis.

Dinala pa sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center ang mga suspect, pero binawian rin ng buhay matapos magtamo ng mga tama ng bala sa katawan.

Nakuha sa crime scene ang tatlong calibre .38 na revolver, 11 basyo ng bala, dalawang sachet ng hinihinalang shabu, at ang500 pisong buy-bust money.
Nagpapatuloy naman ang imbestigasyon ng Manila Police District sa nasabing insidente.

Facebook Comments