3 sibilyan sugatan, 2K pamilya apektado sa tension sa SPMS BOX

Tatlo katao ang naisugod sa Maguindanao Provincial Hospital sa Datu Hoffer Ampatuan Town matapos magtamo ng blast injury bunsod sa nangyaring engkwentro sa pagitan ng mga armado at militar.
Kinabibilangan ng 7 anyos , 21 na dalaga at 55 na ginang ang isinugod sa ospital na kapwa mga residente ng Brgy. Bagong Shariff Aguak ayon pa kay Dr. Tahir Sulaik, Dir. ng MPH at IPHO Maguindanao.
Kasalukuyang inoobserbahan pa rin ang mga biktima dahil sa mga nasugat na natamo na pinaniniwalaang nagmumula sa bumagsak na bala ng mortar dagdag ng doktor.
Samantala, maliban sa mga sugatang sibilyan 2 libong pamilya ang apektado ngayon ng tension, nagmumula ito sa bayan ng Datu Unsay Ampatuan, Datu Saudi, Shariff Aguak at Shariff Saidona Mustapha ayon naman kay 6th ID CMO Chief Lt. Col. Gerry Besana.
FB Pic

Facebook Comments