Gig ni Spongecola vocalist Yael Yuzon sa isang mall – inulan ng kontrobersya

34

Manila, Philippines – Kontrobersyal ngayon ang nagingpagtatanghal ni Sponge Cola vocalist Yael Yuzon sa SM Mega Fashion Hall kung saan on-the-spot niyang isinalin sa wikang ingles ang sikat na kantang “jeepney”.
Ayon sa bokalista, hindi siya pinayagan ng pamunuan ng mall na magsalita o kumanta sa wikang tagalog sa gig nito sa launching ng isang bagong cellphone unit.
Na-enjoy naman daw ni Yael ang kanyang gig kung saan tumanggap siya ng mga papuri dahil sa ipinakitang versatility nito bilang isang mang-aawit.
Gayun paman, inulan din ng batikos ang pamunuan ng mall dahil sa nangyari.
Samantala, nag-sorry na umano ang mall at tiniyak napag-aaralan ang insidente.
Ayon pa sa pamunuan, “proud supporter” ito ng Filipino talent.
Photo from: twitter.com @yaelyraz

Facebook Comments