
Tinukoy ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na 337 sa 416 na mga hinihinalang ghost flood control projects ang mayroong mali-maling grid coordinates.
Matatandaang isiniwalat ni Senate Blue Ribbon Committee Chairman Ping Lacson na sinadya ni dating DPWH Secretary Manuel Bonoan na magsumite ng mga maling grid coordinates kay Pangulong Bongbong Marcos para mapagtakpan ang mga tunay na flood control anomalies.
Ayon kay DPWH Usec. Arthur Bisnar, 337 pa lang ang aktwal na napuntahan at na-assess ng technical engineers ng DPWH.
Sa naturang bilang, 291 dito o 86.35% ang lagpas ng 50 meters sa tamang grid coordinates habang 46 ang kinulang naman ng 50 meters mula sa dapat o tamang grid coordinates.
Giit dito ni Lacson, sobra o kinulang man sa 50 meters ay maituturing pa rin na mali ito dahil kapag pinuntahan ay hindi talaga makikita ang sinasabing ghost project.
Sa kabilang banda, itinuro naman ni Bonoan na inutusan niya noon si dating Usec. Maria Catalina Cabral na tipunin ang mga impormasyon sa mga ghost projects at itinuro niya sa yumaong Undersecretary nanggaling ang consolidated at isinumiteng data sa pangulo.










