Nananatiling pasanin sa ilang tsuper sa Dagupan City ang sunod-sunod na pagbabago sa presyo ng produktong petrolyo, bumaba man o tumaas ito nitong mga nakaraang linggo.
Kabilang dito ang ilang tricycle driver na hanggang ngayon ay ramdam ang epekto ng mataas na presyo ng gasolina sa kanilang pang-araw-araw na kita.
Batay sa pinakahuling trading sa world market, posibleng bumaba ng ₱9.40 kada litro ang gasolina, ₱3.30 ang diesel at ₱3.50 naman ang kerosene simula Nobyembre 10, 2026.
Para sa ilang jeepney driver na bumibiyahe sa rutang San Fabian-Dagupan, mas makatutulong umano sakanilang kabuhayan kung matutuloy ang malaking pagbaba ng presyo ng diesel.
Bukod sa pagbaba ng presyo ng petrolyo, inaasahan din ng mga tsuper na bumaba ang presyo ng mga pangunahing bilihin at piyesa ng sasakyan upang kahit papaano ay mas may sapat silang maiuuwi mula sa isang araw na pamamasada. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










