34th anibersaryo ng People Power, patunay na hindi na uubra ang kamay na bakal sa bansa

1568

Magsilbi nawang babala ang EDSA sa sinuman ang muling magtatangkang isailalim ang bansa sa  kamaong bakal.

Ito ang mensahe ni Vice President Leni Robredo sa ika-34 na anibersaryo ng EDSA People Power Revolution.


Aniya, tatlumpu’t apat na taon na ang nakalipas nang ipakita ng sambayanan ang pagkadismaya sa nangyayari sa lipunan.

Ani Robredo naging kabahagi siya sa milyun-milyong nagtipon noon upang igiit ang dignidad ng bawat Pilipino.

Sinabi ng Bise Presidente na dapat labanan ang mga pagtatangkang burahin ang alaala ng EDSA para sa pansarili nilang agenda.

Apela ni Robredo sa sambayanan,maging handang magsakripisyo at unahin ang kapwa kaysa sarili upang makamit ang kongkretong pagbabago.

Facebook Comments