Ipinadala ng Pangasinan Police Provincial Office ang 350 Civil Disturbance Management contingents upang tumulong sa seguridad sa isinagawang Trillion Peso March 2.0 kahapon, Nobyembre 30.
Bago bumiyahe, isinagawa sa Camp Gov. Antonio Sison ang inspeksyon ng uniporme, kagamitan, at personal gear ng mga personnel bilang huling paghahanda.
Tiniyak ni PCOL Arbel Mercullo na handa at kumpleto ang kagamitan ng lahat ng ide-deploy na pulis.
Ayon sa Pangasinan PNP, mananatili silang nakatutok sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan at handang tumugon sa anumang sitwasyong may kinalaman sa seguridad ng publiko.
Facebook Comments









