Kalibo, Aklan – Dumating na sa probinsya ng Aklan ang 37 na mga repatriated Aklanon Overseas Workers kaninang umaga.
Ayon kay Dr. Cornelio “Bong” Cuachon Jr., Provincial Health Officer I ng PHO-Aklan na ang nasabing mga Aklanon Overseas Workers ay sumakay ng barko galing Manila patungong port ng Iloilo at bumiyahe papuntang Aklan.
Anya ang mga ito ay may mga travel document galing sa kanilang point of origin o saang bansa ito galing. Meron din ayon sa kanya na medical certificate ang mga ito na nagpapatunay na nag undergo sila ng Rapid Anti-Body Test (RABT).
Pagdating sa Metro Manila ay muli silang nag undergo sa 14 days mandatory quarantine at bago pa umuwi ang mga ito ay muli silang isinailalim sa Rapid Anti-Body Test (RABT) ag puro negatibo ang resulta.
Samantala, agad rin kinunan ng swab samples ang mga ito kanina pagdating sa isang hotel dito sa Kalibo at bukas ay ipapadala ito sa West Visayas Medical Center (WVMC) para ma test at hihintayin ang resulta.
Kapag ito ay mag negatibo, pwede nang makauwi ang mga nasabing overseas workers sa kani-kanilang pamilya kahit hindi pa natapos ang 14 days.
Inaasahan naman na sa darating na weeked ang pagdating pa ng mga more or less 96 overseas workers dito sa Aklan.
Ito rin ay kaparte ng Balik Probinsya Program ng gobyerno.
37 na mga repatriated Aklanon Overseas Workers dumating nasa Aklan
Facebook Comments