Sunday, February 15, 2026

378 rockfall events, naitala ng PHIVOLCS sa Bulkang Mayon

Patuloy na nakapagtatala ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ng mataas na aktibidad ng bulkang Mayon.

Nakapagtala ang PHIVOLCS ng 37 na rockfalls events at 20 pyroclastic density current o uson sa nakalipas na 24 oras.

May banaag sa tutok ng bulkang mayon habang nasa 3,788 na tonelada ng sulfure dioxide flux ang naaitala na may 250 metrong taas mula sa crater.

Ang katamtamang pagsingaw ay napadpad sa kanluran-timog-kanluran at kanluran-hilagang-kanluran.

Mayroon pa ring namo-monitor na ground deformation o pamamaga ng bulkan.

Naitala rin pagdaloy ng lava sa bahagi ng Basud gully na nasa 3.8 na kilomentro.

1.6 na kilometro naman sa Bonga gully at nasa 1.3 na kilometeo ang haba ng lava na dumadaloy sa Miisi gully.

Nanatili ang rekomendasyon ng PHIVOLCS na nagbabawal sa anumang human activities sa loob ng 6 km radius permanent danger zone.

Facebook Comments