382 bagong kaso ng iba’t ibang COVID-19 variants, naitala ng DOH

96

Inanunsiyo ng Department of Health (DOH) na nakapagtala sila ng 192 na panibagong kaso ng South African Variant ng Covid-19.

Bukod dito, 170 ang naitala ng DOH na B.1.1.7 variant o mas kilala bilang UK variant.


Habang 19 na pasyente naman ang nagpositibo sa P.3 variant na unang nadetect dito sa Pilipinas at isang P.1 variant na mula sa Brazil.

Nasa higit 1,300 ang mga samples na isinailaim sa sequencing ng Philippine Genome Center at University of the Philippines-National Institutes of Health mula noong Marso 28 hanggang Abril 8.

Facebook Comments