Kasabay ng Farmer’s Day ang pagbibigay ng pagkakataon sa mga nagtapos ng Kabalikat sa Kabuhayan (KSK) Program na ipakita at maibenta ang kanilang mga pananim na produkto sa mga nagtutungo sa mall.
Nakasentro naman sa sustainable agriculture ang 12-weeks KSK Farmers Training program na layong mapabuti ang kalidad at dami ng ani ng mga magsasaka gayundin ang pagbibigay ng sariwa at organikong pagkain para sa kanilang mga pamilya.
Kaugnay nito, hinihikayat ng SM Foundation ang mga magsasaka na nagtapos na lumikha ng matatag na mapagkukunan ng kita sa pamamagitan ng pagbibigay sa mga magsasaka ng KSK ng exposure sa merkado.
Ayon kay Sheila Marie Estabillo, Mall Manager ng SM City Cauayan, ang mga magsasaka ng KSK ay binigyan ng hiwalay na lokasyon nang libre sa SM malls para ibenta ang kanilang mga produkto sa pamamagitan ng Farmer’s Market Day tuwing biyernes na nagsimula ngayong araw.
Katuwang naman ang Department of Agriculture (DA), Department of Social Welfare and Development (DSWD), Department of Trade and Industry (DTI) at SM sa patuloy na pagpapalakas sa Kabalikat Sa Kabuhayan Program upang mas magkaroon ng interes sa pagsasaka sa pamamagitan ng pagtulong sa mga magsasaka na maging entrepreneur.
Nagpapasalamat naman sa pamunuan ng SM si Princeton Alejandro, KSK Batch alumni sa suporta sa mga magsasaka at pagbibigay ng pag-asa sa pagsasaka.
Sa ngayon, may kabuuang 26,776 na magsasaka ang sinanay sa pamamagitan ng Kabalikat sa Kabuhayan Training Program sa buong bansa.
Ang 39th KSK Farmers Market Day na magbubukas tuwing Biyernes.