3rd ASEAN DIGITAL MINISTERS MEETING, GAGANAPIN SA ISLA NG BORACAY

Kalibo, Aklan – Nakatakdang magtipon-tipon ang mga information and communications technology (ICT) ministers at liders sa gaganaping 3rd Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Digital Ministers Meeting ( ADGMIN), ASEAN Digital Senior Officials Meeting (ADGSOM) sa Boracay, Malay, Aklan.
Ito ay gaganapin sa Pebrero 6 hanggang 10, 2023 na pangungunahan ng Department of Information and Communications Technology (DICT).
Nasa 150 na mga delegado mula sa 10 na ASEAN members na mula sa bansang Brunei, Cambodia, Indonesia, Laos, Malaysia, Myanmar, Philippines, Singapore, Thailand, at Vietnam ang inaasahang dadalo sa nasabing meeting.
Ang nasabing meeting ay taunang ginagawa na naglalayong mapaunlad ang digital skills at digital transformation ng mga ASEAN Member States sa nasabing mga lugar.
Ito naman ang pinakaunang meeting na magiging face-to-face matapos ang halos dalawang taon dahil sa mahigpit na restrictions at ipinagbabawal ang mga pagtitipon-tipon dahil sa pandemic na dala ng COVID-19.
Gaganapin naman sa susunod na taon ang ASEAN Digital Ministers Meeting sa bansang Singapore.
Facebook Comments