4.2 magnitude na lindol, tumama sa Ilocos Region

41

Niyanig ng 4.2 magnitude na lindol ang Ilocos Sur at Ilocos Norte kagabi.

Sa datos ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), naramdaman ang pagyanig dakong alas-9:07 ng gabi.


Nagmula ang pagyanig 35 kilometro Hilagang Kanluran ng Pasuquin, Ilocos Norte.

“Moderately strong” ang naramdamang lindol kung saan Intensity IV ay naitala sa mga bayan ng Pasuquin, Bacarra, Laoag City at Paoay sa Ilocos Norte.

Intensity III sa Badoc, Batac City at Burgos sa Ilocos Norte.

Intensity II sa Sinait, Ilocos Sur at Intesity I sa Cabugao, Ilocos Sur.




Facebook Comments