Tuesday, March 10, 2026

4-day work week, ipatutupad na rin ng DOJ

Inaayos pa lamang ng Department of Justice (DOJ) ang pagpapatupad nito ng 4-day work week.

Ito ang inihayag ni DOJ acting Sec.Fredderick Vida kung saan sinabi nito na dapat ay naka-align o nakasunod sila sa trabaho ng Korte Suprema at mga hukuman.

Iginiit naman ni Prosecutor General Richard Anthony Fadullon na aminado sila na kaunting hamon sa kanila ang 4-day work week.

Ito’y dahil na rin sa pagtutugma ng mga iskedyul sa pagharap sa mga korte bukod pa sa pag-aaral na kailangan gawin ng mga piskal sa hawak nilang mga kaso.

Tiniyak naman nina Vida at Fadullon na hindi maaapektuhan ang serbisyo publiko sa planong pagbabago sa mga araw ng pasok sa gobyerno.

Facebook Comments