Tuesday, March 10, 2026

4-day work week, ipatutupad na rin ng Korte Suprema

Inihayag ng Korte Suprema na magsasagawa na rin ito ng flexible work arrangements kasabay ng mga hakbang sa pagtitipid ng enerhiya sa buong hudikatura.

Ito ay makaraang ilabas ni Chief Justice Alexander Gesmundo ang Memorandum Circular No. 02, Series of 2026.

Sa ilalim nito, magpapatupad ang Supreme Court (SC) at Court of Appeals (CA) ng apat na araw na on-site work at isang araw na work-from-home arrangement kada linggo.

Samantala, mananatili sa limang araw na on-site workweek ang Sandiganbayan at Court of Tax Appeals (CTA).

Binibigyan naman ng kapangyarihan ang mga presiding judge sa mga single-sala courts na pumili ng alinman sa dalawang schedule:

On-site mula Lunes hanggang Huwebes at work from home tuwing Biyernes;

On-site mula Martes hanggang Biyernes at work from home tuwing Lunes.

Layunin ng pagbabago sa iskedyul ng pasok sa sangay ng hudikatura na makatipid sa enerhiya.

Facebook Comments