Saturday, March 7, 2026

4-day work week, ipatutupad sa ilang tanggapan ng gobyerno simula Lunes—PBBM

Inanunsyo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagpapatupad ng four-day work week sa ilang tanggapan simula Lunes, March 9.

Ayon sa Pangulo, hakbang ito ng pamahalaan para makatipid sa gastos sa enerhiya kasunod ng patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo dulot ng tumitinding tensyon sa Middle East.

Sa ilalim ng apat na araw na pasok, inaasahang mas hahabaan ang oras ng trabaho kada araw upang makumpleto pa rin ang kinakailangang oras ng serbisyo sa gobyerno.

Hindi naman kabilang ang mga ahensyang nagbibigay ng emergency at pangunahing serbisyo.

Inatasan din ang mga tanggapan ng pamahalaan na magbawas ng hanggang 20% sa konsumo ng kuryente at petrolyo.

Pansamantala ring ititigil ang mga hindi kinakailangang biyahe at aktibidad tulad ng study tours, team-building, at mga meeting na puwedeng gawin online.

Facebook Comments