Cauayan City, Isabela- Nakapagtala na rin ng apat (4) na kaso ng UK variant ang lalawigan ng Kalinga.
Base sa datos ng DOH Cordillera, isang 26-anyos na lalaki mula Barangay Liwan West sa bayan ng Rizal; 39-anyos na lalaki rin mula naman sa Cagaluan, Pasil kung saan sumailalim sa pagsusuri ang specimen sa Baguio General Hospital Medical Center noong March 5.
Kabilang rin ang isa namang 25-anyos na babae mula Bulanao at 42-anyos na lalaki mula Appas sa lungsod ng Tabuk, kung saan March 8 naman sila nasuri ng mga doktor.
Dahil dito, magsasagwa ng dagdag na imbestigasyon ang mga health authorities upang matukoy ang posibleng mga nakasalamuha ng pasyente hanggang sa third generation at sasailalim sa mas mas mahigpit na 14-days quarantine kahit na negatibo ang resulta ng mga ito.
Sa kabuuan, nakapagtala na ng anim(6) na kaso ng UK variant ang lalawigan simula Enero 2021.
Matatandaan na dalawang (2) katao ang unang kinapitan ng B.1.17 virus subalit naideklara ng fully recovered.
Mas lalong pinag-iingat ang mga LGU sa ganitong mga kaso lalo pa’t marami ang naitatalang tinatamaan ng COVID-19 sa bansa.
4 Katao, Positibo sa UK variant ng COVID-19
Facebook Comments