4 na bayan sa Aklan unang nabigyan ng pondo para sa social amelioration program

Kalibo, Aklan – Sa data na ipinalabas kahapon ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) 6, apat na bayan sa Aklan ang unang nabigyan ng pondo para sa Social Amelioration Program (SAP).
Ito ay ang mga bayan ng Tangalan, Buruanga, Makato at Balete.
Ayon sa DSWD Region 6 ang mga bayan na ito ang unang nakapag sumite ng mga listahan at nakapasok sa nasabing programa.
Dahil dito, makakatanggap ang bayan ng Tangalan ng pondo na P 13, 776,000.00; Buruanga P 13, 284,000.00; Makato P 164, 494,000.00 at Balete na may P 17, 448.000.00 kung saan umabot sa P 61, 002, 000.00 ag kabuuang pondo.
Sa ngayon ay pinoproseso na rin ang para sa bayan ng Batan, Numancia, Madalag at Malay.
(c) DSWD 6

Facebook Comments