4 na sibilyan patay, habang isang pulis ang sugatan matapos na manlaban ang isang lalaking inaaresto sa kasong pagpatay

157

Nakatakas ang isang lalaking may kasong pagpatay matapos na pagbabarilin at mapatay ang apat na indibidwal at masugatan naman ang isang pulis sa ikinasang operasyon ng Zamboanga City Police Station 9 sa Purok 6, Barangay Recodo, Zamboanga City kaninang madaling araw.


Ayon kay Police Captain Edwin Duco tagapagsalita ng Philippine National Police (PNP) Region 9, isisilbi lang sana ng mga pulis ang warrant of arrest sa suspek na si Nurhassan Jalao nang bigla itong bumunot ng baril at pinagbabaril ang mga pulis.

Agad na tinamaan ng bala sa ulo si PSSgt. Larry Balasabas at nasawi agad ang dalawang sibilyan na nasa lugar.

Habang papatakas ang suspek ay namaril pa ito ng dalawa pang sibilyan na nasawi rin.

Kinilala ang apat na nasawing sibilyan na sina Patti Abdurahim, Tato Saliento, Jamiri Abdurahim at Abdulbakil Abdurahim, mga residente ng Barangay Recodo, Zamboanga City.

Sa ngayon tinutugis na ang suspek na si Jalao.

Facebook Comments