Malay, Aklan— Kulong ang isang 40 anyos na lalaki matapos mahulihan ng tanim na marijuana sa Sitio Kanyugan Brgy. Caticlan Malay kahapon. Kinilala ang suspek na si Larry Claud residente ng nasabing lugar. Inaresto ang suspek ng mga otoridad matapos madiskubre ng barangay kapitan kahapon na may tanim ito na marijuana malapit sa kanyang bahay. Base sa imbestigasyon ng Malay PNP Station na dakong alas 10:00 ng umaga kahapon ay nagsasagawa ng inspeksyon si Caticlan Barangay Captain Ralf Tolosa sa lugar matapos makatanggap ng reklamo tungkol sa stagnant water nang makita nito ang suspek bitbit ang isang paso na may tanim na marijuana. Agad na isinumbong ang insidente sa mga otoridad kung saan agad nagsagawa ng imbestigasyon at ocular inspection ang mga kawani ng Malay PNP sa pamumuno ni PMAJ. Fon Dicksie De Dios at PLt. Charlie Banlagan ng PCP 4 at 5. Ayon sa punong barangay na balak pa sanang itago ng suspek ang naturang halaman. Narecover sa lugar ang kakabunot pa lamang na marijuana na may sukat na 43 pulgada ang ilang tangkay at mga dahon habang 33 pulgadang naman mga ugat at iba pang tangkay. Inilakip rin sa inventory ang kulay asul na paso na pinagtaniman ng nasabing marijuana. Sa ngayon kasalukuyang nakapiit sa himpilan ng pulisya ang suspek at mahaharap sa kasong paglabag sa Section 11 o possession of illegal drugs at Section 16 o Cultivation or culture of plants classified as illegal drugs sa ilalim ng Republic act 9165.
40 anyos na lalaki arestado matapos mahulihan ng tanim na marijuana
Facebook Comments