40 Pinoy, inilikas na sa ligtas na lugar sa Ukraine

Photo Courtesy: DFA

Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na nailikas na sa Lviv sa Western Ukraine ang 40 Pilipino mula sa capital ng Ukraine na Kyiv.

Ang naturang mga Pinoy ay nasa isang hotel ngayon sa Lviv at nakatakda silang ilipat patungong Poland.

Mula Poland ay sasakay sila ng eroplano pauwi ng Pilipinas.


Mismong si Philippine Ambassador to Warsaw, Poland Leah Basinang-Ruiz ang nangangasiwa sa paglilikas sa mga Pinoy matapos ngang mapasok na ng tropa ng Russia ang Ukraine.

Marami pang mga Pilipino sa Ukraine ang nakatakda na ring dalhin sa Lviv mula sa Kyiv.

Facebook Comments