Umabot na sa 45 health facilities sa Ilocos Region ang nasira dahil sa epekto ng Magnitude 7 na lindol ayon sa Regional Health Emergency Management Staff Operations Center Earthquake Incident Report.
Nasa 128 naman ang nasugatan kabilang ang mga nasa Outpatient Department kung saan nasa tatlo ang na admit at isa ang nasawi.
Isinagawa din ng DOH Region 1 ang pagsasagawa ng assessment at monitoring sa iba pang health facilities upang makita ang sira ng mga ito.
Ayon kay DOH Assistant Secretary for Field Implementation and Coordination Team NCR and Luzon Nestor F. Santiago, Mayroong Health Facilities Enhancement Program (HFEP) na tutulong sa pagpopondo sa pagsasaayos ng mga naturang pasilidad.
Binigyang diin ng Opisyal na kailangang matiyak na ligtas itong magagamit ng mga health workers at pasyente nang maiwasan ang anumang sakuna sa kabila ng nararanasang aftershocks.
Patuloy naman nakaantabay ang Kagawaran para sa pangangailangang medikal ng mga lokal na pamahalaan upang agad na matugunan at maagapan.| ifmnews
Facebook Comments