DOH REGION 1, TINIYAK NA MAYROONG SAPAT NA VACCINATORS SA PINAIGTING NA COVID-19 BOOSTER VACCINATION PROGRAM

16
Inihayag ng DOH Region 1 na sapat ang bilang ng mga vaccinators sa buong Region 1 para sa isinasagawang pagpapaigting ng COVID-19 Booster Vaccination.
Ayon kay DOH Regional Director Dr. Paula Paz Sydiongco, mayroong augmentation na vaccinators na ibinigay ang DOH para sa sapat na bilang ng vaccinators sa Rehiyon.
Ang lalawigan aniya ay una nang nakatanggap ng walong vaccinators na isa sa pinakamalaking target na mabigyan ng booster shot.

Maliban sa booster shot patuloy ang panawagan ng Kagawaran na magpabakuna upang magkaroon ng sapat na proteksyon laban sa COVID-19.
Aabot sa 1. 7 milyon residente ng rehiyon ang target na mabigyan ng booster shot. | ifmnews
Facebook Comments