LINDOL HINDi NAKAAPEKTO SA TURISMO NG ALAMINOS CITY

14
Hindi masyadong naapektuhan ang turismo sa lungsod ng Alaminos matapos ang nagdaang lindol kamakailan lamang.
Ayon kay Miguel ‘Mike’ Sison na siyang Tourism Officer ng nabanggit na lungsod nagpapatuloy ang kanilang operasyon at patuloy paring nakakapagtala ng mga turista ang siyudad.
Dagdag nito, hindi naging malakas ang epekto ng lindol sa kanilang lugar at unti -unti ng nakakabawi ang kanilang turismo na pinadapa ng mga nagdaang lockdowns dahil sa pandemya.

Samantala, tanging ang mga masasamang panahon lamang ang nakakapekto sa dami ng mga residenteng pumupunta sa lungsod ng Alaminos. |ifmnews
Facebook Comments